Lunes, Marso 4, 2013

1.)BATANG-BATA KA PA
APO Hiking Society 
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at inndihin sa mundo
‘Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo naAng buhay ay isang mumunng paraiso lamang
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng kailangan mong malamanBuhay ay ‘di ganyanTanggapin mo na lang ang katotohananNa ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na langMakinig ka na lang
Ganyan talaga ang buhayLagi kang nasasabihan
‘Pagkat ikaw ay bataAt wala pang nalalaman
Makinig ka sa ‘king payo‘Pagkat musmos ka lamang
At malaman nang maaga
Ang wasto sa kamalian
Batang-bata ako nalalaman ko ‘to
Inaamin ko rin na kulangAng aking nalalaman at nauunawaanNgunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang
Kahit bata pa manKahit bata pa manNais ko sanang malamanAng mali sa katotohananSariling pagdaranas
Ang aking pamamagitan
Imulat ang isipanSa mga kulay ng buhayMaging tunay na malaya
Sa katangi-tanging bataBatang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at inndihin sa mundoNais ko sanang malamanAng mali sa katotohanan
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng
Kailangan mong malaman
Nagkakamali ka kung akala mo na Ang buhay ay isang mumunng paraiso lamang
Batang-bata ka paBatang-bata ka pa Batang-bata ka pa Batang-bata ka pa
1
BAITANG7UNANGMARKAHAN
Learning Package
 
 
2.)ANG SUNDALONG PATPAT
Rio Alma
Unang Pangkat:
“Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng sampalok. “Saanka dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin ko ang nawawalang ulan,” sagot ngSundalong Patpat habang inaayos ang papel na sombrero. “Pero hindi hinahanap angulan,” nagtatakang nagkamot ng tuktok ang sampalok. “Dumarang ito kung kailangusto.” “Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang ayaw dumalaw ng ulan,”sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong payat.
Ikalawang Pangkat:
“Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng manok.“Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin ko ang nakalimot na ulan,”sagot ng Sundalong Patpat habang nagpupunas ng pawis na tumatagaktak. “Perohindi hinahanap ang ulan,” nagtatakang laok ng manok. “Dumarang ito kungnatawagan at dinasalan.” “Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang hindimakarinig ang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayongpayat.
Ikatlong Pangkat:
“Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng bundok. “Saanka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap ko ang nawawalang ulan,” sagot ngSundalong Patpat habang hinihimas ang kabayong humihingal. “Matagal nang umalisdito ang ulan,” paliwanag ng kalbong bundok. “Nagtago sa pinakamataas na ulap.”“Kung gayon, aakyan ko ang ulap,” sabi ng Sundalong Patpat at umimbulog agad sasimoy na pumapagaspas.
Ikaapat na Pangkat:
“Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng ulap. “Saanka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap ko ang nagtatagong ulan,” sagotng Sundalong Patpat habang natapik ang nahihilong kabayong payat. “Matagalnang umalis dito ang ulan,” paliwanag ng maputlang ulap. “Nagtago sa pusod ngdagat.” “Kung gayon, sisisirin ko ang dagat,” sabi ng Sundalong Patpat at lumundagpabulusok sa mga along nakanghas.
Ikalimang Pangkat:
“Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng dagat. “Saanka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap ko ang nagtatagong ulan,” sagot ngSundalong Patpat at iwinasiwas ang espadang patpat. “Pero hindi nagtatago angulan,” paliwanag ng nagniningning na dagat. “Ibinilanggo ni Pugita sa kaniyangmutyang perlas.” “Kung gayon, papatayin ko si Pugita,” sabi ng matapang naSundalong Patpat. “Palalayain ko ang ulan.”At sinugod ng Sundalong Patpat sakay ngkaniyang kabayong payat ang yungib ni Pugita. Nagulat si Pugita sa biglang pagpasokng Sundalong Patpat na iwinawasiwas ang espadang patpat. Nagulat si Pugita saliksi at lakas ng maliit na Sundalong Patpat. Nagulat si Pugita sa talim at talas ngkumikislap na espadang patpat.
Una at Ikalawang Pangkat:
Mabilis at isa-isang nigpas ng Sundalong Patpat angmalalaki’t mahahabang galamay ng mabagal at matabang dambuhala. Isa, dalawa,tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo! Huli na nang magbuga ng maim na nta siPugita. Nasungkit na ng Sundalong Patpat ang mutyang perlas na nakapalawit sakuwintas ng nalumpong hari ng dagat!
 
Ikatlo at Ikaapat na Pangkat:
Hawak ang perlas, dali-daling sumibad patungongpampang ang Sundalong Patpat sakay ng mabilis na kabayong payat. Pag-ahonay agad niyang ipinukol ang mutyang perlas paitaas, mataas, mataas na mataas,hanggang umabot sa yan ng ulap at sumabog na masaganang ulan.
Ikalimang Pangkat:
Nagbunyi ang buong daigdig. Sumupling muli’t naglaro ang mgadamo’t dahon. Nagbihis ng lunan ang mga bukid at bundok. Muling umawit angmga ibon at ilog...
Lahat:
“Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng sampalok. “Saan ka nanaman dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin ko ang gusi ng ginto sa punong bahaghari,” sagot ng makisig na Sundalong Patpat at pinatakbo ang makisig nakabayong payat.
 
3.)ISANG DOSENANG KLASE NG HIGHSCHOOL STUDENT
Sipi mula sa
Aba, Nakakabasa na Pala Ako!
ni Bob Ong
Sa mata ng isang guro, may isang dosenang klase lang ng high school students.
Clowns
– Ang ocial kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat pagnagkakaantukan na. Sabi ng ilang teacher, eto raw yung mga KSP sa klase na dahil hindinaman matalino e idinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin kowalang klaseng walang ganito, at kung meron man, magiging manding sakripisyo angpagpasok sa eskuwela araw-araw.
Geeks
– Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang anginiinndi. Kahit na mainit ang ulo at bad trip ang teacher, ang mga geeks ang walangtakot na lumapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang result ng equaon kungisa-substute yung value ng X sa Y
Holow Man
– May dalawang uri ang HM virus, ang type A at type B. Ang type A ayang mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type Bnaman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot samga quiz; hollow ang utak.
Spice Girls
– Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay perolaging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch breack. Madalas namay hawak na suklay, brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase,laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.
Da Gwapings
– ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute.Kon lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin angbawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng utak ng mga DG.
Celebrites
– Policians, atheletes at performers. Policians ang mga palaban namag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskuwelahan at mga kapwa estudyantekesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitarian na kung gaano kabilistumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyantengkaya lang yata pumapasok sa eskuwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sastage tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan ang mga celberity ay manding PR, peromababang IQ.
Guinness
–Mga record holders pagdang sa persistence. Pilit pinupunan ngkasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay.Masinop sa projects, akbo sa recitaon. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahitna laging mali ang sagot.
Leather Goods
– Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Lagingdeterminado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiangpagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang balat ng mga buwaya sa pakapalan.
Weirdos
– Mga Problemac students, misunderstood daw, kadalasang natawagna black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian: kon ang kaibigan, madalasmapaaway, mababa ang grades, at teacher’s enemy.
Mga Anak ni Rizal
– Ang endangered species sa eskuwelahan. Straight ‘A’ students,pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science,at English, pero may oras pa rin para sa konng extra-curricular acvies at gimmicks.
Bob Ongs
– Mga medyo matalino na medyo may sayad. Eto’ yung estudyantenghabang nagle-lecture ‘yung teacher e pinaplano na’yung librong ipa-publish n’ya tungkolsa classmates n’ya.
Commoners
– Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality atkatangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, atsa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers atclassmates nila.Posibleng may mga estudyante na ang katangian ay kombinasyon ng mga nabanggit.Posible ring hindi lahat ng uring estudyante ay makikita sa iisang klase.
Pp 99-102 ng librong ABNKKBSNPLAko?! Mga Kuwentong Chalk ni Bob Ong.
 
4.)SANDAANG DAMIT Fanny Garcia
  nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliraninng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ngmga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kanyangina.Sa kanyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kanyang mga kaklase na siya’ykanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit.Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kanyang isip.Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban.Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkanig ang mahirap na batangbabaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walanng magawa angkanyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang nutukso.“Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalakiing nig, “ako’y may sandaang damitsa bahay.”Nagkanginan ang kanyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala.“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit.Ayokong maluma agad.”“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang nig na sabinila sa batang mahirap.“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’ysasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kungmay laso o bulaklak.”At nagsimula na nga siyang malarawa ng kanyang mga damit. Ayon sa kanya’ymay damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog,pampaaralan, pansimbahan, at iba pa.Naging mahaba ang kanyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggangkaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kanyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng
isang damit na pandalo niya sa pagpon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabuganng pinaggu[it-gupit na mumunng bulaklak at makikislap na rosas at pung abaloryo.Bolga ang manggas. May g-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggangsakong ang haba ng damit.O kaya’y ang kanyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, atlaylayan. O ang kanyang pung pansimba na may malapad na sinturon at malalakingbulsa.Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang nagingtagapagsalita at sila naman ang kanyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kanyangkuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kanyang pagkamahiyain. Nagingmasayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kanyang pamamayat kahit ngayo’ynabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich, isa o dalawangkendi.Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng maysandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ngisang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kanyang mga kaklase at guro.Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Angnatagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloysila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumangmarangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon naratayang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakitang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanayat nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaonat nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isasa kanyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kanyangnaikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sapagpon. Naroon din ang drowing ng kanyang pantulog, ang kanyang pansimba, angsinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahilayon sa kanya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay.Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.
 
5.)KUNG BAKIT UMUULANIsang Kuwentong Bayan 
 
Noong unang panahon, wala pang mundo, wala pang araw at buwan, wala pangoras, at wala pang buhay o kamatayan. Mayroon lang dalawang diyos, si Tungkung Langit, at ang kaniyang kabiyak na si Alunsina.“Tingnan mo, mahal, lilikhain ko ang sannakpan para sa iyo!” pagmamalaking sabini Tungkung Langit.“Hayaan mong tulungan kita, kaya ko ring lumikha,” ang sabi ni Alunsina.“Huwag kang mag-alala, mahal, ito ang regalo ko sa iyo: ang mga bituin, ang mgaplaneta, ang buwan, ang mga ulap, at ang hangin.”“Pero makapangyarihan din naman ako, dahil isa akong diyosa,” bulong ni Alunsina.Ngumi lang si Tungkung Langit at niyakap si Alunsina. Pagkatapos, tumindig siya nangmakas, huminga nang malalim, at sumigaw nang pagkalakas-lakas sa kawalan.Lahat ng sabihin ni Tungkung-Langit ay nagkatotoo. Kumalat ang sinag ng bagonglikhang araw. Kumislap-kislap ang mga bituin. Umikot ang mga planeta at lumiwanag angbuwan. Humangin nang pagkalakas-lakas.At naulit ito nang naulit. Mahal na mahal ni Tungkung Langit si Alunsina, kaya ayawniya itong mapagod.
      Ayaw niyang gumamit ng kahit isang daliri si Alunsina upang lumikha ng kahit isang bagay.“Mas gugustuhin kong maupo ka na lang, magpahinga, at maging maganda,” ang sabini Tungkung Langit kay Alunsina.Ngunit sawa na si Alunsina sa ganoong klaseng buhay. Naramdaman niyang parangwala siyang silbi bilang diyosa. Gusto niyang lumikha.“Huwag kang mag-alala,” sabi ni Tungkung Langit sa kaniyang iniibig, “wawakasan koang iyong pagkabagot. Lilikha ako ng... oras!” At nagsimula nga ang oras.Kasamang nalikha ng oras ang alaala... at naalala ni Alunsina ang panahong walapang laman ang kalawakan, nang hindi siya nakalikha ng kahit ano. “Gusto kong lumikha!” sabi ni Alunsina.Isang araw, patagong sinundan ni Alunsina si Tungkung Langit. Nang makita siya niTungkung Langit, agad siyang nanong: “Bakit ka narito? Bakit mo ako sinusundan?” kong lumikha! Diyos din ako tulad mo!” sabi ni Alunsina.“Nababagot ka ba uli, mahal? Huwag kang mag-alala, lilikhain ko ang kulog at kidlatpara sa iyo!”Lumiwanag at dumagundong sa buong kalangitan dahil sa kulog at kidlat. Nagulatang buong sannakpan. Nagtago ang araw, ang buwan at bituin. Kahit ang hangin aytumigil sa pag-ihip! Pero hindi nanag si Alunsina. Nakatayo lang siya doon, nanonood,nakakunot ang noo.“Sawa na akong panoorin ka lang lumikha ng planeta at araw at bituin! Sawa naakong naririto lang, nakaupo, walang ginagawa! Kaya kong lumikha! Isa rin akong diyosa!”Pero hindi siya pinakinggan ni Tungkung Langit. Umalis siya at lumikha pa ng maraming bagay sa kalawakan. Akala niya ay nagpapapansin lang si Alunsina.Hindi na nakayanan ni Alunsina ang lungkot sa kaniyang puso, kaya lumayas siya sakanilang rahan. Pag-uwi ni Tungkung Langit, gulat na gulat siya nang makitang walangapoy sa kanilang kalan, walang pagkain sa kanilang mesa. At wala na rin ang kaniyangAlunsina.“Alunsina! Alunsina!” Hinanap nang hinanap ni Tungkung Langit ang kaniyang asawa,ngunit hindi niya ito matagpuan. Tinawag niya nang nawag ang pangalan ni Alunsina,ngunit walang binalik ang hangin kundi alingawngaw.Lumipas ang mahabang panahon, at nasawa rin sa paglikha si Tungkung Langit. Araw-araw, hinanap ni Tungkung Langit ang kaniyang iniibig. Ngunit wala siyang nakita.Isang araw, sumilip si Tungkung Langit mula sa ilang ulap. Hinawi niya ang mga ulapat sa kaniyang gulat, naroon ang kaniyang asawang si Alunsina.“Anong ginagawa mo diyan, mahal? Matagal na kitang hinahanap!”Tumingala si Alunsina. Kitang-kita sa kaniyang mukha ang kaligayahang matagal nanghinahangad ni Tungkung Langit.“Nilikha ko ang daigdig. Ang daigdig na may puno at halaman, isda at mga ibon.Nilikha ko ang mga bundok, ang langit, ang karagatan.
 Nilikha ko ang buhay, dahil isa rinakong diyos.” At nagpatuloy si Alunsinang lumikha.Nasaktan si Tungkung Langit. Ang kaligayahang nakita niya sa mukha ng kaniyangasawa ay hindi dahil sa pagkakita sa kaniya.Mula noon, hindi na bumalik si Alunsina sa kalangitan. Paminsan-minsan, sinusuboksiyang pabalikin ni Tungkung Langit sa pamamagitan ng paglikha ng kulog at kidlat. Ngunit hindi na babalik muli si Alunsina.Mula noon, upang mabisita ni Tungkung Langit ang kaniyang dang asawa, kailanganniyang mag-anyong ulan. Ulan na didilig sa daigdig na nilikha ng kaniyang iniibig, si Alunsina.

 6.)
ALAMAT NI TUNGKUNG LANGIT
Roberto AñonuevoHindi makapaniwala ang mga tao noon na wala naman talagang langit at lupa. Ako, siAlunsina, at ang asawa kong si Tungkung Langit ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Kam
-
ing dalawa lamang ang pinag-ugatan ng buhay. Mula sa kaibuturan ng kawalan, inakdang aming kasaysayan ang paglitaw ng daigdig ng mga tao.Nabighani si Tungkung Langit nang una niya akong makita. Katunayan, niligawan niyaako nang napakatagal, sintagal ng pagkakabuo ng la walang katapusang kalawakan nainyong ningala tuwing gabi. At paanong hindi mapaiibig si Tungkung Langit sa akin?Mahahaba’t mala-sutla ang buhok kong im. Malank ang aking balakang at balingkini
-
tan ang mahalimuyak na katawan. Higit sa lahat, matalas ang aking isip na tumutugmalamang sa gaya ng isip ni Tungkung Langit.Kaya sinikap ng aking mapuno’t makapangyarihang kabiyak na dalhin ako doon sapook na walang humpay ang pag-agos ng dalisay, maligamgam na tubigan. Malimit kongmarinig ang saluysoy ng tubig, na siya ko namang sinasabayan sa paghimig ng maririkitna awit. Napapagalgal si Tungkung Langit tuwing maririnig ang aking nig. “Alunsina,”aniya, “ikaw ang iibigin ko saan man ako sumapit!” Pinaniwalaan ko ang kaniyang sinam
-
bit. At ang malamig na simoy sa paligid ang lalo yatang nagpapainit ng aming dibdibkapag kami’y nagniniig.Napakasipag ng aking kabiyak. Umaapaw ang pag-ibig niya; at iyon ang aking na
-
dama, nang sikapin niyang itakda ang kaayusan sa daloy ng mga bagay at buhay sa buongkalawakan.Iniatang niya sa kaniyang balikat ang karaniwang daloy ng hangin, apoy, lupa, attubig. Samantala’y malimit akong maiwan sa aming tahanan, na siya ko namang kinay
-
amutan. Bagaman inaaliw ko ang sarili sa paghabi ng mga karunungang ipamamana saaming magiging anak, hindi mawala sa aking kalooban ang pagkainip. Wari ko, napa
-
kahaba ang buong maghapon kung naroroon lamang ako’t namimintana sa napakalakinaming bahay.Madalas akong gumawi sa aming pasigan, at manalamin sa malinaw na tubig habangsinusuklay ang mababangong buhok. Ngunit tuwing g ako sa tubig, ang nakikita ko’yhindi ang sarili kundi ang minamahal na si Tungkung Langit.Sabihin nang natutuhan ko kung paano mabagabag. Ibig kong tulungan ang akingkabiyak sa kaniyang mabibigat na gawain. Halimbawa, kung paano itatakda ang hihip nghangin. O kung paano mapasisiklab ang apoy sa napakabilis na paraan. O kung paanogagawing malusog ang mga lupain upang mapasupling nang mabilis ang mga pananim.Ngunit ano man ang aking naisin ay hindi ko maisakatuparan. Tumatanggi ang akingmahal. “Dito ka na lamang sa ang tahanan, Alunsina, di ko nais na makita kang nagpa
-
pakapagod!”Tuwing naririnig ko ang gayong payo ni Tungkung Langit, hindi ko mapigil ang maghi
-
nanakit. Kaparis ko rin naman siyang bathala, bathala na may angkin ding kapangyarihanat dunong. Tila nagtutukop siya ng mga tainga upang hindi na marinig ang aking pagpu
-
pumilit. Nagdulot iyon ng aming pagtatalo. Ibig kong maging makabuluhan ang pag-iral.At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan ng aking pinakamamahal.Araw-araw, lalong nagiging abala si Tungkung Langit sa kaniyang paggawa ng kungano-anong bagay. Makikita ko na lamang siyang umaalis sa aming tahanan nang napa
-
kaaga, kunot ang noo, at la laging malayo ang iniisip. Aaluin ko siya at pipisilin namanniya ang aking mga palad . “Mahal kong Alunsina, kapag natapos ko na ang lahat ay walaka nang hahanapin pa!” At malimit nagbabalik lamang siya kapag malalim na ang gabi.Sa mga sandaling yaon, hindi ko mapigil ang aking mga luha na pumatak; napapaka
-
gat-labi na lamang ako habang may pumipitlag sa aking kalooban.Dumang ang yugtong nagpaalam ang aking kabiyak. “Alunsina, may mahalagaakong gawaing kailangang matapos,” ani Tungkung Langit. “Huwag mo na akong hintayinngayong gabi’t maaga kang matulog. Magpahinga ka. Magbabalik din agad ako. . . .” Maybahid ng pagmamadali ang nig ng aking minamahal. Lingid sa kaniya, nagsisimula nangmamuo sa aking kalooban ang manding paninibugho sa kaniyang ginagawa. Umalis ngasi Tungkung Langit at nagtungo kung saan. Subalit pinakan ko siya sa dayaray upangmabad ang kaniyang paroroonan. Ibig ko siyang sundan.Natunugan ni Tungkung Langit ang aking ginawa. Nagalit siya sa dayaray at angdayaray ay isinumpa niyang paulit-ulit na hihihip sa dalampasigan upang ipagunita angpagsunod niya sa nasabing bathala. Samantala, nagdulot din yaon ng mainit na pagtatalosa panig naming dalawa.“Ano ba naman ang dapat mong ipanibugho, Alunsina?” asik ni Tungkung Langitsa akin. “Ang ginagawa ko’y para mapabu ang daloy ng aking mga nilikha sa daigdigng mga tao!” Napoot ang aking kabiyak sa akin. Nakita ko sa kaniyang mga mata angpaglalagablab, at lumalabas sa kaniyang bibig ang usok ng pagkapoot. Dahil sa nangyari,inagaw niya sa akin ang kapangyarihan ko. Ipinagtabuyan niya ako palabas sa amingtahanan.

 
 
Linggo 6Linggo 6
1514
BAITANG7UNANGMARKAHANBAITANG7UNANGMARKAHAN
Learning PackageLearning Package
Oo, nilisan ko ang aming bahay nang walang taglay na anumang mahalagang bagay.Nang lumabas ako sa pintuan, hindi na muli akong lumingon nang hindi ko makita angbathalang inibig ko noong una pa man. Hubad ako nang una niyang makita. Hubad di akonang kami’y maghiwalay.Alam kong nagkamali ng pasiya si Tungkung Langit na hiwalayan ako. Mula noon, na
-
balitaan ko na lamang na pinananabikan niya ang paghihintay ko sa kaniya kahit sa gitnang magdamag; hinahanap niya ang aking maiinit na halik at yakap; pinapangarap niyangmuling marinig ang aking matarling na nig; inaasam-asam niya na muli akong magbaba
-
lik sa kaniyang piling sa paniniwalang ibig kong makamit muli ang kapangyarihang ina
-
gaw niya sa akin. Ngunit hindi.Hindi ko kailangan ang aking kapangyarihan kung ang kapangyarihan ay hindi mo rinnaman magagamit. Hindi ko kailangan ang kapangyarihan kung magiging katumbas iyonng pagkabilanggo sa loob ng bahay at paglimot sa sariling pag-iral.Ipinaabot sa akin ng dayaray ang naganap sa da naming tahanan ni Tungkung Lan
-
git. Sinlamig ng bato ang buong paligid. Pumusyaw ang dang mangkad na palamusa aming bahay. Lumungkot nang lumungkot si Tungkung Langit at laging mainit angulo. “Mabu naman,” sabi ko sa dayaray. “Ngayon, matututo rin si Tungkung Langit namagpahalaga sa kahit na munng bagay.”Umaalingawngaw ang nig ni Tungkung Langit at inaamo ako dito sa aking bagongpinaghihimpilan upang ako’y magbalik sa kaniya. Ayoko. Ayoko nang magbalik pa sakaniya. Kahit malawak ang puwang sa aming pagitan, nadarama ko ang kaniyang paghik
-
bi. Oo, nadarama ko ang kaniyang pigha. Lumipas ang panahon at patuloy niya akonghinanap. Ngunit nanali siyang bigo.Ang kaniyang pagkabigo na mapanumbalik ang aking pagmamahal ay higit niyangdinamdam. Nagdulot din yaon sa kaniya upang lalong maging malikhain sa paghahanap.Akala niya’y maaakit ako sa kaniyang gawi. Habang nakasakay sa ulap, naisip niyanglumikha ng malalawak na karagatan upang maging salamin ko. Hindi ba, aniya, mahiligsi Alunsina na manalamin sa gilid ng aming sapa? Nababaliw si Tungkung Langit. Hindgayon kababaw ang aking katauhang mabilis maaakit sa karagatan.Pumaloob din si Tungkung Langit sa daigdig na nilikha niya na laan lamang sa mgatao. Naghasik siya ng mga buto at nagpasupling ng napakaraming halaman, damo, pa
-
lumpong, baging, at punongkahoy. “Marahil, maiibigan ito ni Alunsina,” ang la narinigkong sinabi niya. Gayunman, muli siyang nabigo dahil hindi ako nagbalik sa kaniyangpiling.Humanap pa ng mga paraan ang da kong kabiyak upang paamuin ako. Halimbawa,kinuha niya sa da naming silid ang mga nilikha kong alahas. Ipinukol niya lahat ang mgaalahas sa kalawakan upang masilayan ko. Naging buwan ang da kong ginintuang suklay;naghunos na mga bituin ang mga hiyas ko’t mutya; at naging araw ang ginawa kong pa
-
mutong sa ulo. Kahit ano pa ang gawin ni Tungkung Langit, hindi na muli akong nagbaliksa kaniyang piling.Namigha siya. At nadama niya kung paanong mamuhay nang mag-isa, gaya lamangng naganap sa akin da doon sa aming rahan. Lumuha nang lumuha si Tungkung Langit,at ang kaniyang pagluha ay nagdulot sa unang pagkakataon ng pag-ulan. Kapag siya’yhumahagulgol, nagbubunga yaon ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. May panahongtumindi ang kaniyang pigha, kaya huwag kayong magtaka kung bakit umuulan. Angmga luha ni Tungkung Langit ang huhugas sa akin, at sa aking kumakawag na supling.
Hango sa mito ng Hiligaynon at Waray, at muling isinalaysay ni Roberto T. Añonuevo

 
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento