Lunes, Marso 4, 2013


ISANG DOSENANG KLASE NG HIGHSCHOOL STUDENT
Sipi mula sa
Aba, Nakakabasa na Pala Ako!
ni Bob Ong
Sa mata ng isang guro, may isang dosenang klase lang ng high school students.
Clowns
– Ang ocial kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat pagnagkakaantukan na. Sabi ng ilang teacher, eto raw yung mga KSP sa klase na dahil hindinaman matalino e idinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin kowalang klaseng walang ganito, at kung meron man, magiging manding sakripisyo angpagpasok sa eskuwela araw-araw.
Geeks
– Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang anginiinndi. Kahit na mainit ang ulo at bad trip ang teacher, ang mga geeks ang walangtakot na lumapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang result ng equaon kungisa-substute yung value ng X sa Y
Holow Man
– May dalawang uri ang HM virus, ang type A at type B. Ang type A ayang mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type Bnaman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot samga quiz; hollow ang utak.
Spice Girls
– Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay perolaging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch breack. Madalas namay hawak na suklay, brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase,laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.
Da Gwapings
– ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute.Kon lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin angbawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng utak ng mga DG.
Celebrites
– Policians, atheletes at performers. Policians ang mga palaban namag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskuwelahan at mga kapwa estudyantekesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitarian na kung gaano kabilistumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyantengkaya lang yata pumapasok sa eskuwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sastage tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan ang mga celberity ay manding PR, peromababang IQ.
Guinness
–Mga record holders pagdang sa persistence. Pilit pinupunan ngkasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay.Masinop sa projects, akbo sa recitaon. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahitna laging mali ang sagot.
Leather Goods
– Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Lagingdeterminado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiangpagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang balat ng mga buwaya sa pakapalan.
Weirdos
– Mga Problemac students, misunderstood daw, kadalasang natawagna black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian: kon ang kaibigan, madalasmapaaway, mababa ang grades, at teacher’s enemy.
Mga Anak ni Rizal
– Ang endangered species sa eskuwelahan. Straight ‘A’ students,pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science,at English, pero may oras pa rin para sa konng extra-curricular acvies at gimmicks.
Bob Ongs
– Mga medyo matalino na medyo may sayad. Eto’ yung estudyantenghabang nagle-lecture ‘yung teacher e pinaplano na’yung librong ipa-publish n’ya tungkolsa classmates n’ya.
Commoners
– Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality atkatangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, atsa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers atclassmates nila.Posibleng may mga estudyante na ang katangian ay kombinasyon ng mga nabanggit.Posible ring hindi lahat ng uring estudyante ay makikita sa iisang klase.
Pp 99-102 ng librong ABNKKBSNPLAko?! Mga Kuwentong Chalk ni Bob Ong.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento